News LightLatest News

NBI, itinangging naaresto na si Sen. Bato dela Rosa

Ayon sa NBI, nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation upang mahanap ang senador na kapwa akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.

Carlene Latuna · · 1 min read

Iginiit ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa naaaresto ang pugante at senador na si Ronald “Bato” dela Rosa, sa kabila ng usap-usapang nahuli na ito.

Ayon sa NBI, nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation upang mahanap ang senador na kapwa akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.

Ayon naman sa legal counsel ni dela Rosa na si Atty. Israel Torreon, wala rin siyang impormasyon kung nasaan ang senador.

Wala na umano siyang komunikasyon sa kanyang kliyente mula Mayo 14, araw na umalis ito mula sa Senate Building.

What do you feel about this article?