Nagsagawa ng military drills ang China sa Bajo de Masinloc mula July 31 hanggang August 1.
Kinumpirma iyan ng Armed Forces of the Philippines nitong Martes.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nagdala ang China ng limang military ships, isang replenishment ship, dalawang helicopter, dalawang hovercraft, at iba pang fighter aircraft.
Sa kabuuan ng buwan ng Hulyo, aabot sa 48 Chinese vessels ang namataan ng AFP sa West Philippine Sea.

