News LightLatest News

Utang ng Pilipinas, pumalo sa P19.065 trillion

Nakapagtala ng panibagong record ang kabuuang utang ng Pilipinas na umabot sa ₱19.065 trillion noong katapusan ng Hunyo, ayon sa Bureau of the Treasury.

Newslight · · 1 min read

Nakapagtala ng panibagong record ang kabuuang utang ng Pilipinas na umabot sa ₱19.065 trillion noong katapusan ng Hunyo, ayon sa Bureau of the Treasury.

Mas mataas ito ng ₱518.98 bilyon o halos 3% kumpara sa naitala noong katapusan ng Mayo.

Ayon sa ahensiya, nagmula ang pagtaas sa mas malaking paghiram ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa upang pondohan ang iba’t ibang mga proyekto.

Sa kabuuang utang, ₱12.837 trillion ang mula sa lokal na paghiram, habang ₱6.227 trillion naman ang mula sa mga panlabas na pagkakautang.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Michael Ricafort, Chief Economist ng RCBC, posibleng mangailangan pa ang pamahalaan ng karagdagang paghiram sa mga susunod na buwan habang pinabibilis ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura.

Bagama’t maaaring magdulot ito ng mas malawak na budget deficit, aniya, maaari rin itong magbigay ng paglago sa ekonomiya kung magagamit nang epektibo at tama ang mga hiniram na pondo. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?