Pagtaas ng kaso ng school violence sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang pinaiimbestigahan ni CIBAC Party-list Representative Bishop Bro. Eddie Villanueva.
Ang pinakahuling ulat ng karahasan sa paaralan mula sa Elizalde National High School sa Davao de Oro, kung saan pinagbugbog ang isang guro, ay dapat magsilbing alarma sa Department of Education (DepEd), giit ni Villanueva.
Idinagdag pa umano ang nangyaring school shooting sa Tacloban nitong Hulyo.
Aniya, kailangan siyasatin ng kagawaran ang kakulangan sa pag-iimplementa ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education Act.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ni Villanueva, hindi lamang ito dapat maituturing na mga isolated cases at ang mga karahasan sa paaralan ay dapat magsilbing wake-up call, kung hindi, isa itong oportunidad upang baguhin ang commitment sa pagpapalaki ng susunod na henerasyon na may respeto, disiplina, at malasakit. (Austin Gonzaga/News Light)

