News LightLatest News

P85 dagdag sa NCR minimum wage, pansamantalang ipinatigil ng Pasig RTC

Pansamantalang ipinatigil ang pagpapatupad ng dagdag na ₱85 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa Metro Manila kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Pasig Regional Trial…

Carlene Latuna · · 1 min read

Pansamantalang ipinatigil ang pagpapatupad ng dagdag na ₱85 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa Metro Manila kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Pasig Regional Trial Court.

Sa desisyon ng korte noong July 30, pinaboran ang petisyon ng Readycon Trading and Construction Corporation at ng R-11 Builders Incorporated na suspendihin ang NCR Wage Order No. 27 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR).

Naunang inisyu ng korte ang status quo ante order noong July 24 at sinundan ng pagdinig noong July 28 na dinaluhan ng kinatawan ng mga construction firm at ng Department of Labor and Employment (DOLE), National Wages and Productivity Commission, at RTWPB-NCR.

Sa pagdinig, iginiit ng presidente ng Readycon Trading and Construction Corporation na si Jesus Ignacio na ang dagdag-sahod ay magreresulta sa kabawasan sa kita, mga manggagawa, at sa posibleng suspensyon o pagtigil ng kanilang operasyon.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ng DOLE ang desisyon ng Pasig Regional Trial Court na, ayon kay Labor Acting Secretary Francis Tolentino, ay kanilang ikinalungkot ngunit iginagalang.

Nakatakda sana noong July 25 ang implementasyon ng wage order.

What do you feel about this article?