Good NewsLatest News

Lake Sebu, kinilala bilang kauna-unahang UN Food and Agriculture Organization Village sa Pilipinas

Kinilala bilang kauna-unahang United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) Village ang Lake Sebu sa South Cotabato.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kinilala bilang kauna-unahang United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) Village ang Lake Sebu sa South Cotabato.

Isa na ang Lake Sebu sa mahigit 300 na villages sa buong mundo na napasama sa listahan kasunod ng pagsisikap nito na pangalagaan ang natural heritage at biodiversity at panatilihin ang tradisyon sa pagkain ng lugar.

Binigyang-diin ni Mario Samaja, former senior coordinator ng FAO Headquarters, kung paano pinapangalagaan ng mga indigenous communities ang wetlands, kagubatan, at mga sakahan ng Lake Sebu.

Congratulations para sa pagkilalang ito at nawa’y magsilbi itong inspirasyon para sa iba upang pangalagaan pa ang kalikasan at ating tradisyon.

What do you feel about this article?