Good NewsLatest News

Bisaya contemporary Christian song ni Mary Oz, mapapakinggan na

Isang bagong awitin ang ibinahagi ni contemporary singer-songwriter na si Mary Ozaraga. Isang musika na may island folk sound na pinamagatang "Ommaway."

Newslight · · 1 min read

Isang bagong awitin ang ibinahagi ni contemporary singer-songwriter na si Mary Ozaraga.

Isang musika na may island folk sound na pinamagatang “Ommaway.”

Ang kanta ay isang Bisaya-English song na layong magbigay ng mensahe patungkol sa pagtalikod sa landas ng kamatayan at pagbabalik sa landas patungo sa puso ng isang Ama, kung saan tayo nararapat. Mapapakinggan sa lyrics ang salitang “Ali na, mamauli na ta,” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “Tara na, umuwi na tayo.”

Pangwalo ito sa album na pinamagatang “A Side of Grief” at kasunod ng isa pang bagong awitin na “Welcome Home,” na patungkol naman sa paanyaya ng Diyos sa kapatawaran at pagsisimula ng paghilom.

ADVERTISEMENT

Mapapakinggan na ang “Ommaway” sa inyong paboritong major music platforms. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?