Bagamat patuloy na nahaharap sa impeachment, nanguna pa rin si Vice President Sara Duterte sa presidential preference para sa eleksiyon 2028 sa pinakabagong Pulse Asia survey.
Sa 2,400 na sumagot sa ‘Ulat ng Bayan’ survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at 6, 49 percent ang nagsabing iboboto nila si Duterte bilang pangulo.
Sumunod naman dito si Naga City Mayor Leni Robredo na nakakuha ng 29 percent at Senador Raffy Tulfo na nakakuha ng 14 percent.
Nakakuha naman ng tig-1 percent sina DPWH Secretary Vince Dizon at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, samantalang 0.1 percent para kay MMDA General Manager Nicolas Torre.
ADVERTISEMENT
Nanguna naman ang kaalyado ni Duterte na si Senador Bong Go sa vice presidential preference ng survey.
Nasa 27 percent ang nagsabing iboboto nila si Go bilang ikalawang pangulo.
Sinundan siya ni Senador Robin Padilla, na siya namang nanguna sa senatorial race.
ADVERTISEMENT
Umabot sa 48.4 percent ang sumagot na isa si Padilla sa kanilang iboboto at sinundan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 47.9 percent.
Ito ay sa kabila ng paggiit ng alkalde na wala siyang planong tumakbo sa halalan sa 2028.
Ayon pa sa survey, 17 sa mga posibleng senatorial candidates ang may statistical chance na manalo.
ADVERTISEMENT
Ang Pulse Asia survey ay gumamit ng plus-or-minus 2 percent error margin na may 95 percent confidence level.

