Tatlong Filipino content creators ang napabilang sa 2026 TIME100 Creators List.
Sa listahang kumikilala sa mga influential na digital creators sa buong mundo, tatlong Pinoy na may iba’t ibang larangan ng content creation ang nangibabaw.
Kabilang sa listahan si Bretman Rock, na unang nakilala sa YouTube para sa kaniyang makeup tutorials, humor, at personality.
Kasama rin si Niana Guerrero na siya ring most-followed TikTok creator ng Pilipinas at kilala para sa kaniyang trendy dance moves at challenges.
ADVERTISEMENT
Pangatlo naman sa napabilang sa TIME100 si Fil-Am creator Rachell Hofstetter o mas kilala bilang Valkyrae sa gaming community.
Congratulations para sa inyong pagkilala.

