Handa nang sumabak ang Philippine Men’s Football Team sa highly anticipated 2026 ASEAN Championship Hyundai Cup, na opisyal na magsisimula ngayong Hulyo 24.
Matatandaang nakapasok sa semifinals ang pambansang koponan sa huling edisyon ng tournament ngunit natalo ng Thailand via aggregate score sa kanilang ikalawang leg.
Sa edisyong ito, muling haharapin ng Pilipinas ang mabigat na hamon matapos mapabilang sa group stage kasama ang defending champion Thailand, Malaysia, Myanmar, at Laos.
Tanging ang top two teams lamang mula sa grupo ang magkakaroon ng tsansang umabante sa knockout stage.
ADVERTISEMENT
Kumpiyansa ang pambansang koponan sa kanilang laro ngayong taon at handang gawin ang lahat upang makamit ang karangalan para sa bansa sa larangan ng football. (Benedict Quejado/News Light)

