Nasa protective custody na ng mga otoridad ang isang menor de edad matapos makuhanan ng humigit-kumulang 30 gramo ng umano’y shabu sa isang high school sa Barangay Banago, Bacolod City.
Tinatayang nasa mahigit P200,000 ang halaga ng nasamsam na droga.
Hindi naman inilabas ang pagkakakilanlan ng estudyante alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act.
Habang sinisiyasat ng pulisya kung saan nagmula ang droga.

