SONA 2026Latest News

Miyembro ng Alliance of Concerned Teachers, nagsagawa ng lightning protest sa Malacañang bago ang SONA

Kinondena ng grupo ang pagtuturing ng administrasyon sa education budget bilang “historic” o makasaysayan habang nananatili umano ang malalang kakulangan sa mga guro, silid-aralan, education support personnel, learning resources, at…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Nagsagawa ng lightning protest sa Gate 7 ng Malacañang ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinondena ng grupo ang pagtuturing ng administrasyon sa education budget bilang “historic” o makasaysayan habang nananatili umano ang malalang kakulangan sa mga guro, silid-aralan, education support personnel, learning resources, at iba pang pangangailangan ng mga paaralan.

Nanawagan ang grupo ng disente at nakabubuhay na sahod, mas maayos na benepisyo, makataong workload, sapat na pondo para sa public education, job security, at proteksiyon sa human at trade union rights.

Hiniling din ng grupo ang pananagutan sa umano’y korapsyon sa sistema at impunity.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa kanilang mga tiyak na panawagan ang P50,000 entry-level salary para sa mga guro, pagtaas ng Personnel Economic Relief Allowance o PERA sa P5,000, paglalaan ng hindi bababa sa anim na porsiyento ng GDP para sa edukasyon, at pagwawakas sa contractualization.

What do you feel about this article?