Malaking porsyento ng mga Pilipino ang hindi nagtitiwala sa bansang China ngayong buwan, ayon sa pinakahuling tala ng OCTA Research.
14 percent naman ang may tiwala pa rin sa China, habang 21 percent ang ‘di makapagdesisyon.
Ang distrust rating na ito ay 9 percent na mas mataas kaysa sa 55 percent na naitala noong Marso.
Ayon sa OCTA, ang kawalan ng tiwala ng mga Pinoy sa China ay may malaking kaugnay pa rin sa sitwasyon sa West Philippine Sea—kung saan iginigiit ng Tsina ang kanilang pag-aari.
ADVERTISEMENT
Napag-alaman ding ang pagkilos ng pamahalaan, civil society groups, at ng midya ay nakatulong para mapanatiling informed ang publiko at maging sentro ng diskurso ang mga nagaganap sa WPS.
Ang survey ay ginanap mula Hulyo 4 hanggang 11, isang linggo mula nang ipagdiwang ang ika-isang dekada ng 2016 Arbitration Ruling sa nasabing karagatan. (Denniel Salayo/News Light)

