News LightLatest News

Viral na kabayong kinaladkad habang nakatali sa truck, nailigtas at nasa maayos nang kalagayan

Kahit mga hayop, nararapat na igalang at mapahalagahan ang buhay. 'Yan ang aral sa kuwento ni Kabang, ang kabayo na nag-viral sa social media matapos itali sa isang truck at…

Carlene Latuna · · 1 min read

Kahit mga hayop, nararapat na igalang at mapahalagahan ang buhay.

‘Yan ang aral sa kuwento ni Kabang, ang kabayo na nag-viral sa social media matapos itali sa isang truck at napilitang tumakbo habang umaandar ito.

Matapos mag-viral ang video at ang larawan ng pagkahimatay ni Kabang dahil sa pagod, nag-abot ng tulong ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia at siya ay pinuntahan.

Napag-alamang kailangang gamutin si Kabang kaya mula sa Misamis Oriental, dinala siya sa Batangas City upang masuri at magamot.

Matapos nito, dinala siya sa isang foster home sa Nagcarlan, Laguna, kung saan patuloy siyang inaalagaan.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagligtas kay Kabang, sumulat ang PETA sa Bureau of Animal Industry upang imbestigahan ang nagmamay-ari sa kanya.

Ang buhay ng kabayong si Kabang ay paalala na dapat pangalagaan ang lahat ng nilikha ng ating Panginoon.

What do you feel about this article?