PoliticsLatest News

Pangulong Marcos Jr., tumaas ang satisfaction rating sa pinakabagong SWS survey

Bahagyang tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo 2026, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS). Mula sa -15 noong Marso, umangat ito…

Newslight · · 1 min read

Bahagyang tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo 2026, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa -15 noong Marso, umangat ito sa -7, na tinuturing ng SWS bilang neutral na antas.

Lumabas sa survey na 46% ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa pagganap ng Pangulo, 39% ang hindi nasisiyahan, habang 15% ang hindi pa makapagpasya.

Ayon sa SWS, tumaas ang satisfaction rating ni Pangulong Marcos sa lahat ng rehiyon, pinakamataas sa Luzon, sinundan ng Visayas, Metro Manila, at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey mula Hunyo 20 hanggang 29 sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 na Pilipino sa buong bansa. Hindi rin ito inatasan o pinondohan ng anumang partido o ahensiya. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?