News LightLatest News

Bagong automated fare collection system, inilunsad sa LRT-2

Mas pinadali na ang pagbabayad ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) matapos pormal na ilunsad ang bagong automated fare collection system kahapon, Hulyo 13. Sa pamamagitan nito,…

Newslight · · 1 min read

Mas pinadali na ang pagbabayad ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) matapos pormal na ilunsad ang bagong automated fare collection system kahapon, Hulyo 13.

Sa pamamagitan nito, maaari nang magbayad ang mga pasahero sa pamamagitan ng pag-tap ng kanilang Visa o Mastercard debit, credit, o prepaid cards sa mga turnstile, o kaya ay pag-scan ng QR code.

Ang sistema ay bunga ng pakikipagtulungan ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Visa, at mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad pa lamang ito sa LRT-2 na may rutang Recto hanggang Antipolo City, pero target din itong ipatupad sa LRT-1.

Ayon sa RCBC, layunin ng proyekto na mapabilis ang pagko-commute, mapalawak ang paggamit ng digital payments, at maisulong ang financial inclusion sa bansa.

ADVERTISEMENT

Kasabay ng paglulunsad ng sistema, inilunsad din ng RCBC ang Piso Fare CashBack Promo na magbibigay ng fare cashback sa mga kwalipikadong customer mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 31.

Nauna nang ipinatupad ang kaparehong tap-to-pay system sa MRT-3 noong 2025, at maaari na rin ngayong gamitin ng mga commuter ang kanilang smartphone sa pamamagitan ng Google Pay sa pagbabayad ng pamasahe. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?