News LightLatest News

Water level sa Angat Dam, patuloy na bumababa sa kabila ng mga pag-ulan — PDRRMO

Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 155.91 metro na lamang ang water level ng dam kahapon, July 12, mas mababa kumpara sa 156.07…

Newslight · · Updated · 1 min read

Patuloy na bumababa ang water level sa Angat Dam sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Bagyong Inday at habagat.

Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 155.91 metro na lamang ang water level ng dam kahapon, July 12, mas mababa kumpara sa 156.07 metro na naitala noong July 11.

Nagdudulot na ito ng pangamba sa mga residente at magsasaka dahil ang Angat Dam ang pangunahing pinagmumulan ng inuming tubig para sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, gayundin ng patubig sa tinatayang 25 libong ektarya ng mga palayan sa Bulacan at Pampanga.

Nanawagan si Bulacan Governor Daniel Fernando sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig at agad na ipaayos ang mga tumutulong gripo para maiwasan ang pag-aaksaya.

ADVERTISEMENT

Samantala, binawasan na ng National Water Resources Board ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila, habang pansamantalang sinuspinde ang suplay ng irigasyon sa mga palayan sa Gitnang Luzon bilang hakbang para mapanatili ang natitirang imbak ng tubig sa Angat Dam. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?