Mainit na sinalubong ng mga fans ang muling pagbabalik-bansa ng Pinay tennis star na si Alex Eala matapos ang kanyang magandang Grand Slam tournament run sa Wimbledon.
Personal siyang binati ng kanyang mga tagahanga na matiyagang naghintay sa Ninoy Aquino International Airport.
Binigyan si Eala ng isang hero’s welcome kasama ang Banda Kawayan ng Pilipinas, isang grupo na tumutugtog gamit ang mga instrumentong gawa sa kawayan. Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa engrandeng pa-welcome na inihanda ng sports officials.
Para personal na pasalamatan ang kanyang mga taga-suporta, magkakaroon si Eala ng isang fan meet sa darating na Hulyo 15 sa Glorietta Activity Center.
Muling pinatunayan ng 20-anyos na world-class ang galing ng Pilipino matapos nitong umabot sa Round of 16 sa Wimbledon, ang pinakamalayong narating ng isang Pilipino sa singles division ng isang Grand Slam tournament sa kasaysayan.
ADVERTISEMENT
Bagamat natapos ang kanyang laro sa Round of 16 matapos kapusin laban kay Jasmine Paolini sa loob ng tatlong sets, punong-puno naman ng karangalan ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
Samantala, pagkatapos ng maikling bakasyon sa bansa, muling sisimulan ni Eala ang kanyang paghahanda para sa darating na hardcourt season at US Open. (Benedict Quejado/News Light)

