Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hulyo.
Ayon sa Meralco, may dagdag na mahigit P0.34 kada kilowatt-hour sa electricity rate ngayong buwan.
Ibig sabihin, ang mga customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours ay posibleng madagdagan ng nasa P68 sa bill.
Nasa P102 naman ang dagdag sa 300 kilowatt-hours, P136 pesos sa 400 kilowatt-hours, at P170 sa 500 kilowatt-hours.
Paliwanag ng Meralco, tumaas ang generation charge dahil sa mas mataas na presyo ng fuel mula P9.07 noong nakaraang buwan. Umabot na ito sa P9.25 kada kilowatt-hour.
ADVERTISEMENT
Nakaapekto rin ang scheduled maintenance shutdown sa Malampaya Natural Gas Facility na nagtutulak sa dalawang power plants na gumamit ng mas mahal na liquefied natural gas.
Gayundin ang pagtaas ng Wholesale Electricity Spot Market, taxes, transmission, at iba pa dahil sa epekto ng sigalot sa Middle East sa global energy market.

