PoliticsLatest News

Lacson, sinita ang ‘pattern’ na pagpapaospital ng mga personalidad na nahaharap sa aresto at reklamo

Reaksyon ito ni Lacson sa naging pagpapagamot kina Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa plunder at graft sa Sandiganbayan, maging ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary…

Newslight · · 1 min read

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang aniya’y “pattern” na pagpapaospital ng mga personalidad kapag aarestuhin na o nakatakdang makulong, pati ang paggamit sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH) ng mga hindi naman miyembro ng kapulisan.

Reaksyon ito ni Lacson sa naging pagpapagamot kina Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa plunder at graft sa Sandiganbayan, maging ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary ng administrasyon na si Manuel Bonoan.

Ani Lacson, ganito na ang nangyayari sa kasaysayan—sa ospital lagi ang bagsak ng naaaresto at kino-contempt; naglalabasan ang sakit kapag lumabas na rin ang warrant.

Dagdag pa ng senador, pasadya ang PNP-GH para sa mga pulis at dependent ng mga ito, ngunit sila ang pumapasan sa pagpapagamot ni Bonoan at Marcoleta na kapwa inaresto dahil sa katiwalian. Higit sa lahat, taxpayers aniya ang nagbabayad dito.

ADVERTISEMENT

Nais rin niyang linawin sa 2027 budget deliberations ng PNP at Department of the Interior and Local Government kung sino ba ang awtorisadong gumamit ng pasilidad at sinong nagbabayad sa medical expenses. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?