Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo nitong Linggo, Hulyo 12.
Kasabay ito ng ika-10 anibersaryo ng arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas bilang tunay na may soberanya sa West Philippine Sea.
Inulan man nitong Linggo ng umaga, umaagos naman ang suporta ng iba’t ibang mga grupo sa mga pagkilos na isinagawa bilang paninindigan para sa West Philippine Sea.
ADVERTISEMENT
Nagtipon sa Quirino Grandstand ang mga tauhan ng Department of National Defense para sa National Peace Walk na pagmamartsa bilang pakikiisa sa mga mangingisda, coastal communities, at mga indibidwal na pumoprotekta sa maritime rights ng bansa.
Sa Peace Walk, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na dapat nang yakapin ng bawat Pilipino ang West Philippine Sea.
Kasunod nito, nagtungo si Teodoro sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea para makiisa sa flag raising ceremony doon.
ADVERTISEMENT
Samantala, inilunsad din nitong Linggo sa Quezon City ang West Philippine Sea Fisherfolk Monument sa pangunguna ng Quezon City government at Atin Ito Coalition.
Habang 2,000 indibidwal ang nakimartsa sa West Philippine Sea Parade na pinangunahan ng Palawan Provincial Government at Atin Ito Coalition.
Isinusulong ngayon ng koalisyon na ideklarang West Philippine Sea Victory Day ang Hulyo 12 kasabay ng araw ng makasaysayang arbitral ruling.
ADVERTISEMENT
Suportado ito ng Akbayan Party-list sa Kamara at itinutulak na suportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

