RegionalLatest News

Grade 9 student, sugatan sa pananaksak ng kapwa estudyante sa Negros Occidental

Batay sa report ng Police Regional Office Negros Island Region, nagtamo ng mga saksak ang 17-anyos na biktima sa kanang bahagi ng kanyang tiyan, kaya’t isinugod agad ito sa ospital.

Newslight · · Updated · 1 min read

Isang Grade 9 student ang sinaksak ng Grade 10 na estudyante rin sa Teacher’s Village, Barangay 2 ng San Carlos City, Negros Occidental kahapon.

Naganap ang insidente dakong 3:40 p.m. sa labas lamang ng Julio Ledesma National High School.

Batay sa report ng Police Regional Office Negros Island Region, nagtamo ng mga saksak ang 17-anyos na biktima sa kanang bahagi ng kanyang tiyan, kaya’t isinugod agad ito sa ospital.

Ang Grade 10 student namang 17-anyos rin ay nadakip sa isang police pursuit operation, at narekober sa kanya ang patalim na ginamit sa krimen.

Napatunayan ding personal na galit ang dahilan ng pananaksak.

ADVERTISEMENT

Ayon sa eskwelahan, ipinarating na ng biktima sa adviser ang mga pagbabanta sa kanya at inabisuhang huwag lalabas ng campus habang kinokontak pa ang magulang o guardian nito. Gayunman, lumabas pa rin ang estudyante.

Pinatatatag na rin umano ng paaralan ang kanilang security measures at nagsagawa na ng faculty meetings para i-review ang mga kasalukuyan nilang protocol. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?