Tinatayang P461.1 milyong piso ang net worth ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla batay sa kanyang Joint Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), kasama ang kanyang asawa.
Batay sa datos, tumaas ng mahigit P19 milyong piso ang kanyang net worth sa loob lamang ng tatlong buwan.
Mula P441 milyong piso noong October 2025 hanggang P461.1 milyong piso noong December 2025, katumbas ng 4.39% na pagtaas.
Tumaas din ng 35.63% ang halaga ng kanilang real properties.
ADVERTISEMENT
Samantala, bumaba naman ng 2.87% ang idineklarang personal assets ng mag-asawa.
Nasa P112.8 milyong piso naman ang kanilang real properties at P348.5 milyong piso naman ang personal properties.
Kabilang sa mga ari-arian ang mga bahay at lupa sa Las Piñas, Makati, Parañaque, Baguio, Tagaytay, at Indang, Cavite.
ADVERTISEMENT
Sa personal properties, pinakamalaki ang P280.6 milyong piso na pera sa bangko na umano’y mula sa sales ng stocks at minana mula sa yumao niyang ama, kasama ang kita mula sa iba’t ibang investment.
Nakapaloob rin ang P44 milyong piso na mga sasakyan, P6.5 milyong piso na furniture at jewelry, at ilang shares sa iba’t ibang kumpanya.
Nananatili namang nasa P300,000 na liabilities ni Ombudsman Remulla na binubuo ng personal loan at unpaid subscription sa isang realty firm.
ADVERTISEMENT
Si Remulla ay kapatid ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at ama nina Cavite Congressman Crispin Remulla, Cavite Governor Gabriel Remulla, at Naic, Cavite Vice Mayor Jacinta Remulla.
Naitalaga siya sa puwesto matapos maglingkod bilang Justice Secretary sa loob ng mahigit tatlong taon at may pitong taong termino bilang Ombudsman at may sahod lamang na umaabot sa P196,000 hanggang P219,000 kada buwan. (Pink Feliciano/News Light)

