News LightInternational

Marcos Jr. at Russian President Putin, nagharap na

Sa sidelines ng summit, tinalakay ng dalawang lider ang ugnayan ng Pilipinas at Russia pagdating sa usapin ng food and energy security.

Jomar Villanueva · · 2 min read

Nagharap na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin kasunod ng ASEAN-Russia Commemorative Summit nitong July 17 at 18 sa Kazan, Russia.

Sa sidelines ng summit, tinalakay ng dalawang lider ang ugnayan ng Pilipinas at Russia pagdating sa usapin ng food and energy security.

Ayon kay Marcos Jr., maituturing na stable ang pakikipagkalakalan ng dalawang bansa.

Patuloy namang magsusuplay ng food resources ang Russia sa ASEAN, ayon kay Putin.

ADVERTISEMENT

Samantala, binigyang-diin ng Russian president na suportado nito ang kapayapaan at kaayusan sa ASEAN.

Handa aniya ang Russia na makipagtulungan para makabuo ng bukas, maaasahan, at komprehensibong security system ang ASEAN countries.

Pinasalamatan naman ni Marcos Jr. ang Russia sa suporta nito sa ASEAN kasabay ng 35 taong ugnayan ng dalawang rehiyon.

ADVERTISEMENT

Good news naman matapos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit.

Pinahintulutan ni Putin ang pagpapalaya sa 24 na Pilipinong siyam na buwan nang nakakulong sa Siberia matapos mabiktima ng mga illegal recruiter.

Ayon kay Marcos Jr., nakatakda ang deportation ng naturang mga Pilipino ngayong araw ng Biyernes, ganap na alas-5 ng hapon sa Russia.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa pangulo, walang isinampang kaso ang Russia laban sa 24 na Pilipino pero ikinulong pa rin ang mga ito.

Gayunpaman, nirerespeto aniya ng Pilipinas ang batas ng Russia.

What do you feel about this article?