Good NewsLatest News

Video game na Street Fighter, ipinakilala ang kauna-unahang Filipino fighter character

Sa official profile ng laro, ipinakilala si Yasmine bilang high school student na isa ring martial artist na pumasok sa World Warrior Tournament para hanapin ang kanyang nawawalang kuya.

Carlene Latuna · · 1 min read

Filipino represent!

Pormal na ipinakilala ng iconic game na Street Fighter ang kauna-unahang Filipino character na lalabas sa naturang video game.

Inanunsyo sa Summer Game Fest 2026 ang bagong fighter na si Yasmine na hango sa Philippine Eagle ang itsura at may hugis-buwan na karambit knife na sandata.

Sa official profile ng laro, ipinakilala si Yasmine bilang high school student na isa ring martial artist na pumasok sa World Warrior Tournament para hanapin ang kanyang nawawalang kuya.

ADVERTISEMENT

Ipapakita ni Yasmine ang kanyang tila sumasayaw na estilo ng pakikipaglaban na itinuro ng kanyang lolo.

Inaabangan na ang kanyang paglabas sa game upang maging kinatawan ng tapang at gilas ng Pilipino.

What do you feel about this article?