News LightLatest News

PBBM at VP Duterte, magkahiwalay na nagtungo sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol

Ilang araw makalipas ang pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao, magkahiwalay na nagtungo sa Mindanao sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte upang alamin ang…

Carlene Latuna · · 2 min read

Ilang araw makalipas ang pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao, magkahiwalay na nagtungo sa Mindanao sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte upang alamin ang kalagayan ng mga residenteng apektado ng kalamidad.

Unang ininspeksiyon ni Pangulong Marcos Jr. ang pinsalang natamo ng St. Elizabeth Hospital sa General Santos City, Sarangani.

Inatasan niya ang mga kinauukulang ahensiya na unahin ang assessment sa mga apektadong ospital at health facilities upang matiyak ang kaligtasan at agarang mapabalik ang mga pasyente.

ADVERTISEMENT

Kasunod nito, pinuntahan ng Pangulo ang pamamahagi ng food packs at limang libong pisong cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay.

Sunod niyang sinuri ang mga gusali at pasilidad na napinsala sa Roman C. Acharon Central Elementary School at General Santos City National High School.

Samantala, binisita at nakiramay si VP Sara sa mga pamilya ng nasawi sa lindol.

ADVERTISEMENT

Pinuntahan rin ng Bise Presidente ang mga biktima ng lindol na nasa ospital at kinumusta ang kanilang kalagayan.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Duterte ang pagbibigay nila ng rice bags sa mga naulila ng nasawi at ang pamimigay ng food at non-food boxes para sa mga nawalan ng tirahan.

Nauna rito, namahagi na rin ng pagkain sa mga frontliner ang Kalusugan Food Truck ng Office of the Vice President sa General Santos City.

ADVERTISEMENT

Ani Duterte, pinaabot niya rin ang mensahe na hindi natin alam kung kailan mangyayari ang lindol kaya ang pinakamabisang gawin ay ang paghahanda para sa mga kaparehong kalamidad.

What do you feel about this article?