News LightLatest News

Unemployment rate sa Pilipinas, pumalo sa 4.7% noong Abril

Mas mataas ito kumpara sa 4.1 percent o mahigit dalawang milyon noong nakaraang taon at itinuturing na pinakamataas na unemployment rate para sa buwan ng Abril mula 2022.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Tumaas ang unemployment rate sa Pilipinas sa 4.7 percent noong Abril, katumbas ng mahigit 2.41 milyong Pilipinong walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito kumpara sa 4.1 percent o mahigit dalawang milyon noong nakaraang taon at itinuturing na pinakamataas na unemployment rate para sa buwan ng Abril mula 2022.

Giit ng PSA, bumaba ang employment sa retail trade ng halos kalahating milyon na maaaring may kinalaman sa pagtaas ng presyo at pagbaba ng sahod.

Naapektuhan din ang agrikultura dahil sa panahon ng tag-init.

ADVERTISEMENT

Samantala, umakyat din ang underemployment sa 15.2 percent, katumbas ng 7.41 milyong Pilipino na gustong magkaroon ng dagdag o mas matagal na trabaho.

Patuloy namang binabantayan ang sitwasyon ng trabaho sa bansa habang nagbabago ang kondisyon ng ekonomiya.

What do you feel about this article?