Nakatalaga ngayon ang Kalusugan Food Truck (KFT) ng Office of the Vice President (OVP) sa gumuhong commercial building sa Calumpang, General Santos City bilang suporta sa patuloy na search and rescue operations.
Namahagi ang KFT ng pagkain at refreshments para sa mga frontliner na nasa ground at nagsasagawa ng rescue efforts.
Naka-standby din ang OVP Southern Mindanao Satellite Office para sa anumang kailangan.

