News LightLatest News

Ilang bayan sa Sarangani, isinailalim sa state of calamity kasunod ng lindol sa Mindanao

Kabilang ang kabisera ng Sarangani na Alabel sa isinailalim sa state of calamity matapos ang naiulat na pinsala sa Barangay Pag-asa, New Canaan, Bagacay, at Paraiso.

Carlene Latuna · · 1 min read

Isinailalim na sa state of calamity ang ilang bayan ng Sarangani kasunod ng pagtama ng 7.8 magnitude na lindol noong Lunes.

Kabilang ang kabisera ng Sarangani na Alabel sa isinailalim sa state of calamity matapos ang naiulat na pinsala sa Barangay Pag-asa, New Canaan, Bagacay, at Paraiso.

Isinailalim rin sa state of calamity ang bayan ng Malapatan na nagtamo ng matinding pinsala gaya ng Sapu Masla Bridge na hindi na madaanan matapos umangat dahil sa nasirang beam sa ilalim.

Napilitang gumamit ng maliliit na bangka ang mga residente upang makabiyahe.

ADVERTISEMENT

Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Glan na nabiyak na rin ang mga daan at naharangan pa ng malalaking tipak ng bato mula sa gumuhong bahagi ng mga bundok.

Sa ngayon, umakyat na sa 45 indibidwal ang nasawi at 17 naman ang pinaghahanap pa dahil sa lindol.

What do you feel about this article?