Mga Kaakibat, naghahanap ba kayo ng bagong papasyalan kasama ang inyong family, friends, or loved ones?
Bakit hindi ninyo dayuhin ang AGILAkbay, isang espesyal na art exhibition na tampok ang pambansang ibon ng Pilipinas, ang Philippine Eagle.
Noong June 8, binuksan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang exhibition ng visual artist na si Bing Famoso bilang parte ng selebrasyon ng Philippine Eagle Week.
Sa pamamagitan ng art at immersive experience, layon ng exhibition na bigyang-diin ang kahalagahan ng wildlife conservation at environmental stewardship.
ADVERTISEMENT
Layon din nitong ipaalala na ang pagprotekta sa Philippine Eagle ay hindi hiwalay sa pagprotekta sa natural heritage na kinakatawan nito.
Bukas sa publiko ang AGILAkbay hanggang June 30 kaya naman bisitahin na ito at matuto tungkol sa kalikasan at sa ating pambansang ibon.

