News LightLatest News

DepEd, pinatutukan sa mga engineer ang pinsala ng lindol sa mga paaralan sa Mindanao

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na agad na nag-inspeksiyon ang mga structural engineers partikular sa mga paaralan sa Region 12.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Agad na ipinatutok ng Department of Education (DepEd) sa mga structural engineers ang mga paaralan sa Mindanao na lubhang napinsala ng lindol.

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na agad na nag-inspeksiyon ang mga structural engineers partikular sa mga paaralan sa Region 12.

Ilang mga paaralan ang naiulat na gumuho o lubhang nagkaroon ng pinsala matapos ang pagyanig.

Tiniyak naman ni Angara na sisiguruhin muna ang kaligtasan sa loob ng mga paaralan bago tuluyang ipagamit muli sa mga estudyante.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?