Naninindigan si Atty. Levi Baligod na nagdala ng mga maletang may lamang pera ang umano’y dating mga empleyado at bagman ni former congressman Zaldy Co kina Senador Mark Villar at Senador Chiz Escudero.
Sa pahayag ni Baligod kahapon, hindi aniya ito nabanggit ng kanyang mga kliyente sa pagdinig ng ‘Cayetano bloc’ noong June 4 dahil hindi naman ito itinanong.
Batay aniya sa mga kliyente niya, nag-deliver ang mga ito ng pitong medium-sized na maleta kina dating senador at DPWH Secretary Mark Villar noong 2022 sa bahay nito sa Portofino South, Daanghari sa Las Piñas.
Nagpadala rin umano ng mga maleta sa bahay ni Escudero.
ADVERTISEMENT
Inabsuwelto naman ni Baligod si Sen. Legarda dahil hindi aktuwal na nakita ng mga ito na ipinasok sa mismong bahay ng mambabatas ang mga maleta.
Samantala, naninindigan si Baligod na tumanggap ng pera si ML Party-list Rep. Leila de Lima—na itinanggi na ng kongresista. (Denniel Salayo/News Light)

