West Philippine SeaLatest News

AFP chief, kinumpirmang may bagong istrukturang namataan sa Bajo de Masinloc

Ayon kay General Brawner, isang six-by-six na moving structure ang namataan sa lugar at batay sa aerial surveillance, may anim na taong sakay o nasa loob nito.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. na may namataan silang bagong istruktura sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ayon kay General Brawner, isang six-by-six na moving structure ang namataan sa lugar at batay sa aerial surveillance, may anim na taong sakay o nasa loob nito.

Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ang dahilan ng pagtatayo ng istruktura at patuloy pa nila itong binabantayan at pinag-aaralan.

Dagdag ni Brawner, hindi na papayagan na maulit ang nangyari noon kung saan may itinayong maliit na istruktura at kinalauna’y lumaki at naging artificial island.

What do you feel about this article?