PoliticsFeatured

VP Duterte, binatikos ang umano’y paggamit ng kapangyarihan laban sa oposisyon

Sa isang pahayag, iginiit ng pangalawang pangulo na hindi dapat ituring na banta ang mga taong may salungat na pananaw sa pamahalaan.

Newslight · · Updated · 1 min read

Nanawagan si Vice President Sara Duterte na pangalagaan ang demokrasya at kalayaan ng mga institusyon ng gobyerno, kasunod ng kanyang pagbatikos sa umano’y paggamit ng kapangyarihan at pondo ng bayan laban sa mga kritiko at oposisyon.

Sa isang pahayag, iginiit ng pangalawang pangulo na hindi dapat ituring na banta ang mga taong may salungat na pananaw sa pamahalaan.

Ayon kay Duterte, dapat umanong mas tutukan ng pamahalaan ang problema ng bansa kaysa sa pagpapatahimik sa mga kritiko nito.

Kabilang sa kanyang mga nabanggit ay ang umano’y paglihis ng atensyon mula sa mga tanong hinggil sa flood control projects, ang paglabag sa mga konstitusyonal na pananggalang kaugnay ng impeachment, at ang patuloy na pagsusulong ng charter change para sa mas malawak na kapangyarihang pampulitika.

ADVERTISEMENT

Binigyang-diin ni Duterte na ang mga ito ay palatandaan ng isang pamahalaang mas nakatuon sa pagprotekta sa kapangyarihan kaysa sa paglilingkod sa mamamayan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?