News LightFeatured

Right-to-Info Bill, aprubado na sa final reading ng Kamara

Sa botong 284-0 mula sa mga mambabatas, aprubado na ang House Bill Number 9397 o ang proposed na Right to Information Act of 2026 na nasa ilalim ng prayoridad ng…

Newslight · · Updated · 1 min read

Aprubado na sa third and final reading ng Kamara ang Right to Information Bill.

Sa botong 284-0 mula sa mga mambabatas, aprubado na ang House Bill Number 9397 o ang proposed na Right to Information Act of 2026 na nasa ilalim ng prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council.

Matatandaang ito ay finile ni CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva at tinawag itong “long-awaited reform now within reach” o pinaka-inaantay na reporma.

Ang bill na ito ay makapagbibigay rin ng online RTI portal upang makita ng mamamayan sa pamamagitan ng electronic files at masiyasat ng sinuman ang bawat government office at magbibigay rin ito ng madaling access.

ADVERTISEMENT

Dadaan na sa bicameral conference committee meeting ang Right to Information Bill. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?