Hiniling ng kampo ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na huwag nang pagsuotin ang senador ng dilaw na Persons Deprived of Liberty (PDL) uniform ng BJMP at huwag na rin siyang posasan tuwing haharap sa korte.
Ayon sa depensa, nakapagpiyansa na si Estrada at boluntaryo umanong sumuko kaya hindi na kinakailangan ang mga naturang hakbang.
Samantala, inilipat ng Sandiganbayan 2nd Division sa June 4 ang arraignment nina Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan para sa kasong graft.
Ito ay matapos hilingin ni Estrada na talakayin muna ang mga nakabinbing mosyon na kaniyang inihain, habang nag-request naman si Bonoan ng pagpapaliban ng arraignment dahil sa kaniyang kondisyong medikal.
ADVERTISEMENT
Kinumpirma rin ng anak ng senador na si Janella Estrada na hindi nakatulog ang kaniyang ama sa unang gabi nito sa loob ng New Quezon City Jail sa Payatas noong June 1 nang siya ay arestuhin. (Pink Feliciano/News Light)

