Good NewsLatest News

Fil-Am armless pilot Jessica Cox, napabilang sa Arizona Aviation Hall of Fame

Ang Fil-Am pilot, na una na ring gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang lisensyadong armless pilot sa mundo, ay kinilala matapos niyang patunayan na hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang…

Carlene Latuna · · 1 min read

Panibagong pagkilala ang nakamit ng Filipino-American pilot na si Jessica Cox matapos makapasok sa Arizona Aviation Hall of Fame sa Amerika.

Ang Fil-Am pilot, na una na ring gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang lisensyadong armless pilot sa mundo, ay kinilala matapos niyang patunayan na hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang pangarap.

Noong 2008, naging lisensyadong piloto si Jessica at mula noon ay nagbigay na ng inspirasyon sa kapwa niyang may kapansanan.

Maliban dito, itinatag rin ni Jessica ang Rightfooted Foundation International na sumusuporta sa mga kabataan na may kapansanan at kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

Makakasama na ang pangalan at portrait painting ni Jessica Cox sa iba pang piloto na nasa Arizona Aviation Hall of Fame sa Pima County Air and Space Museum.

Tunay ngang nakaka-inspire ang buhay at determinasyong ipinakita ni Jessica Cox.

What do you feel about this article?