Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magdudulot ng mas magandang learning outcomes ang bagong three-term school calendar para sa mga mag-aaral.
Sa Brigada Eskwela activity sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na magkakaroon ng mas maraming oras ang mga guro para maghanda, magsanay, at pagbutihin ang kanilang pagtuturo.
Ayon pa sa kalihim, mababawasan din ang pagmamadali sa pagtatalakay ng mga lesson dahil mas may panahon ang mga estudyante para sa mas malalim na pag-unawa sa mga leksiyon.
Bagamat hindi agad masosolusyunan ang matagal nang mga suliranin sa edukasyon, layunin aniya ng bagong sistema na bawasan ang curriculum congestion at maprotektahan ang oras para sa aktuwal na pagtuturo sa klase.
ADVERTISEMENT
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspeksiyon sa mga pagsasaayos sa mga paaralan para sa pagbubukas ng klase sa June 8.

