Sinagot na ni Vice President Sara Duterte ang Articles of Impeachment laban sa kanya.
Naniniwala ang kampo ng bise presidente na constitutionally infirm o hindi nasunod ang standard ng Saligang Batas sa pagsasampa ng impeachment complaints.
Ito ay matapos anilang magsagawa ng “mini trial” ang House Committee on Justice kaugnay sa mga kasong kinahaharap ng bise presidente.
Nagdagdag din umano ang komite ng ebidensya laban kay Duterte, at hindi nabigyan ng pagkakataon ang bise presidente na depensahan ang sarili kaya walang due process ang mini trial ng House Committee.
ADVERTISEMENT
Mababatid na makailang beses nang ipinatawag ng House Committee si Duterte pero hindi siya sumipot.
Sa kanyang tugon sa Articles of Impeachment, muling iginiit ng bise presidente na wala siyang ill-gotten wealth at hindi niya nilustay ang confidential funds ng kanyang opisina.

