Good NewsLatest News

Anim na Pinoy scientists, pasok sa Top 100 researchers sa Asya

Kabilang sa listahan ang mga indibidwal na nakatanggap ng national o international prizes noong nakaraang taon para sa kanilang pananaliksik o kaya naman ay may ambag na scientific discovery o…

Carlene Latuna · · 1 min read

Napabilang ang anim na mga Pinoy scientists at innovator sa Top 100 Researchers for 2026 ng Asian Scientist Magazine.

Kabilang sa listahan ang mga indibidwal na nakatanggap ng national o international prizes noong nakaraang taon para sa kanilang pananaliksik o kaya naman ay may ambag na scientific discovery o nanguna sa academia o industriya.

Ang mga scientist at innovator na kabilang sa listahan ay sina Romulo Davide at Marcela Navasero ng University of the Philippines Los Baños, Mary Donnabelle Balela at Aurelio de los Reyes V ng UP Diliman, Garry Benico ng Central Luzon State University, at May Anne Mata ng UP Mindanao.

Si Davide ay una nang itinanghal na 44th National Scientist of the Philippines noong 2024 para sa kanyang ambag sa plant pathology at nematology.

Si Navasero naman ay kinilala para sa kanyang papel sa paggawa ng cost-effective pest management systems.

ADVERTISEMENT

Kinilala naman si Balela para sa kanyang modular kapok booms para sa marine oil spills.

Pagbati para sa lahat ng napabilang sa top researchers list!

What do you feel about this article?