Nangibabaw muli ang tinig ng Pilipino sa pandaigdigang entablado!
‘Yan ay matapos makamit ni Filipina singer Michelle Mariposa ang first prize sa 2026 Washington International Competition.
Nakuha ng mezzo-soprano singer ang parangal matapos magtanghal ng limang awitin kabilang ang Ako’y Nangarap ni Antonino Buenaventura at Parto, ma tu ben mio ni Mozart.
Dahil dito, mag-uuwi si Michelle ng US$10,000 na premyo.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang taon, itinanghal rin ang Pinay singer na grand finals winner ng Metropolitan Opera Laffont Competition.
Kaya naman congratulations, Michelle Mariposa, para sa iyong parangal!

