Matagumpay na isinagawa ang “Generation Invasion” sa isang district rally ng Laguna for Jesus Youth Movement ng Jesus Is Lord Church sa San Pablo City noong Sabado.
Dinaluhan ng mga Kristiyanong kabataan mula sa halos 20 simbahan sa mga bayan ng Alaminos, Calauan, Nagcarlan, Liliw, Rizal, Victoria, at San Pablo City ang “Generation Invasion” ng Jesus Is Lord Church.
Layunin ng programa na palakasin ang pananampalataya ng mga kabataan at hikayatin silang maging aktibong bahagi ng paglilingkod sa Diyos at sa kanilang komunidad.
Sa mensahe ni Pastor Ernie Dorado, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsasabi ng tama, pagtuturo ng mabuti, at pagtanggap ng pagwawasto upang higit na mahubog ang kanilang pagkatao.
ADVERTISEMENT
Bukod sa Salita ng Diyos, naging masigla rin ang pagtitipon sa pamamagitan ng iba’t ibang laro at interaktibong aktibidad na nagbigay-daan sa pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga kabataang kalahok. (Kevin Pamatmat/News Light)

