News LightLatest News

Bilang ng mga indibidwal na nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga, umakyat na sa 12

Aabot naman sa 26 na indibidwal ang narescue at walo ang sugatan sa nangyaring insidente.

Newslight · · 1 min read

Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.

Aabot naman sa 26 na indibidwal ang narescue at walo ang sugatan sa nangyaring insidente.

Patuloy naman ang retrieval operation ng mga awtoridad sa gumuhong gusali sa Angeles City.

Samantala, ito na ang ikawalong araw ng operasyon ng mga awtoridad matapos gumuho ang gusali nitong ika-24 ng Mayo. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?