News LightLatest News

Bawas-presyo sa petrolyo, asahan ngayong linggo

Posibleng magkaroon ng ₱8 hanggang ₱9 ang tapyas sa kada litro ng diesel, ₱5 hanggang ₱6 naman sa kada litro ng gasolina, ₱9 hanggang ₱10 naman sa kada litro ng…

Giselle Crazo · · 1 min read

May mataas na posibilidad ng malaking rollback sa presyo ng langis ngayong linggo ayon sa Department of Energy (DOE).

Posibleng magkaroon ng ₱8 hanggang ₱9 ang tapyas sa kada litro ng diesel, ₱5 hanggang ₱6 naman sa kada litro ng gasolina, ₱9 hanggang ₱10 naman sa kada litro ng kerosene.

Paliwanag ng ahensya, posibleng mabago pa ang presyo ng petrolyo lalo’t pinayagan ng DOE ang mga oil company na magsumite ng kanilang price adjustment range para maisaalang-alang ang aktwal na gastos at maiwasan ang posibleng pagkalugi.

What do you feel about this article?