Tumilapon ang isang modern jeepney matapos mabangga ng isang armored vehicle kaninang alas-singko ng umaga sa intersection ng Quezon Avenue at Miriam Defensor Santiago Avenue sa Quezon City kaninang alas singko ng umaga.
Mula Montalban, Rizal ang modern jeepney na may dalang 17 na pasahero at galing ng Quezon Avenue nang biglang inararo ng armored vehicle na galing sa Miriam Defensor Santiago Avenue.
Nagkasisihan ang driver ng armored van at modern jeepney.
Ngunit sa CCTV mula sa MMDA Metrobase, mabagal ang pag-usad ng modern jeepney bunsod ng moderate traffic na dinaanan nito nang biglang sumalubong at bumangga ang armored vehicle.
ADVERTISEMENT
Binigyan ng paunang lunas ang mga pasahero pati na rin ang driver at conductor ng modern jeepney.
Bandang 6:45 a.m. na nang matanggal ang naaksidenteng modern jeepney pati na rin ang armored vehicle at posibleng makasuhan ang salarin sa aksidente. (Austin Gonzaga/News Light)

