Hindi nakakaunawa ng kanilang binabasa ang maraming Grade 11 students.
Ayon iyan sa pilot run ng Senior High School Literacy Assessment na isinagawa mismo ng Department of Education (DepEd) noong March 2026.
Lumalabas sa assessment na 87% o halos 9 sa kada sampung Grade 11 students ay maituturing na non-independent readers o hindi nakakaunawa ng kanilang binabasa batay sa grade level na kanilang kinabibilangan.
Ayon kay Atty. Simoun Salinas ng Second Congressional Commission on Education, batid ng DepEd na malaking bahagdan ang 87% na dapat solusyunan ng ahensya.
ADVERTISEMENT
Nasa 12% naman ang bilang ng Grade 11 students na talagang nakababasa at nakauunawa ng kanilang binabasa.

