News LightLatest News

700,000 metric tons ng bigas, posibleng mawala dahil sa El Niño — DA

Dahil dito, muling magpupulong ang El Niño Task Force ng DA upang paghandaan ang epekto ng mababawas na bigas sa agrikultura, kabuhayan ng mga magsasaka, at seguridad sa pagkain ng…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng mabawasan ng 700,000 metric tons ang produksyon ng bigas sa bansa dahil sa paparating na El Niño.

Nasa 3.5 percent ito ng taunang production target ng ahensya.

Dahil dito, muling magpupulong ang El Niño Task Force ng DA upang paghandaan ang epekto ng mababawas na bigas sa agrikultura, kabuhayan ng mga magsasaka, at seguridad sa pagkain ng mga Pilipino.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magsasagawa na sila ng cloud seeding upang magdala ng pag-ulan, paglalagay ng solar-powered irrigation systems at iba pa.

ADVERTISEMENT

Sa huling ulat ng PAGASA, nasa 92 percent ang posibilidad na mararanasan ang moderate to strong El Niño sa huling quarter ng taon na maaaring tumagal hanggang sa mga unang buwan ng 2027.

What do you feel about this article?