Matapos ang makasaysayang pag-abot sa tuktok ng Mount Everest noong nakaraang taon, naakyat naman ni Pinoy mountaineer Miguel Mapalad ang pinakamataas na bundok sa Europa na Mt. Elbrus.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Mapalad ang lamig at ang taas na hinarap niya at ng kanyang team sa pag-akyat sa Mount Elbrus.
Ngunit giit niya, hindi opsyon ang pagsuko kaya itinaas niya ang bandera ng Pilipinas at pinilit na umakyat sa tuktok ng bundok.
Dagdag niya, ‘The climb is tough, but the summit is real,’ at naghahanda na siya para sa susunod na aakyatin.
ADVERTISEMENT
Congratulations para sa iyong achievement, Miguel!

