News LightLatest News

Pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue, sinuspinde ng DENR; Total cancellation, panawagan ng environmental groups

Kasunod iyan ng protesta ng mga environmental groups na ikinagalit ang pagputol sa mga puno sa lugar para bigyang-daan ang Southern Access Link Expressway (SALEX) na kokonekta sa Skyway.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Pansamantalang ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpuputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue.

Kasunod iyan ng protesta ng mga environmental groups na ikinagalit ang pagputol sa mga puno sa lugar para bigyang-daan ang Southern Access Link Expressway (SALEX) na kokonekta sa Skyway.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, boluntaryong ipinahinto ng ahensya ang pagpuputol ng puno para mas mapag-aralan pa.

Batay sa tala ng DENR, 245 na ang pinutol na mga puno habang aabot sa 617 ang pinayagang ipaputol ng ahensya.

ADVERTISEMENT

Ikinatuwa ng green groups ang suspensyon ng tree cutting.

Pero panawagan nila ang total cancellation ng pagputol ng iba pang puno.

What do you feel about this article?