Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang alas-8 ng gabi o bukas ng madaling araw ang bagyong may international name na “Jangmi” at tatawaging “Domeng” pagpasok ng bansa.
Magpapaulan ito ngayong araw sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Huling namataan si Jangmi sa layong 1,185 kilometro silangan ng Eastern Visayas, may hangin na aabot sa 65 kilometro.
Bugso na aabot sa 80 kilometro kada oras, at gumagalaw hilaga pa-hilagang-kanluran na may bilis na 20 kilometro kada oras.
ADVERTISEMENT
Magpapaulan ang trough o extension ni Jangmi pati na rin ang southwesterly wind sa malaking bahagi ng Mindanao at kanlurang bahagi ng Visayas na may pagkidlat at pagkulog.
Asahan naman ang maaliwalas na panahon sa Luzon at natitirang bahagi ng Visayas ngunit magpapaulan naman ang localized thunderstorm. (Austin Gonzaga/News Light)

